Lianne Valentin
Quick Facts
Biography
Si Maria Leonor Valentino (ipinanganak Agosto 16, 2001), mas kilala bilang Lianne Valentin at minsa'y kinekredito bilang Lianne Valentino, ay isang aktres mula sa Pilipinas.Nakilala siya bilang isa sa mga host ng Tropang Potchi na pinalabas sa GMA Network kung saan nanalo siya at kanyang mga kasama bilang mga Pinakamagagaling na mga Punong-Abala sa isang Palabas na Pambata na ginawad noong ika-27 PMPC Star Awards para sa Telebisyon.Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa telebisyon katulad ng Princess in the Palace, Isang Dakot ng Luha, Time of My Life at Sinner or Saint.Kasama din siya sa pelikulang Aswang na pinagbibidahan ni Lovi Poe.
Maliban sa pag-aartista at pagiging host, naging modelo rin siya ng mga patalastas simula noong anim na taong gulang pa lamang siya.