Pugo
Quick Facts
Biography
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Pugo (paglilinaw).
Si Mariano Contreras, o mas kilala sa pangalang Pugo,(1910-1978) ay isang komedyante na sikat noong mga dekada ng '30 hanggang sa dekada ng '60.Ang kanyang katambal sa pag-aarte ay si Andres Solomon, na kilala naman sa pangalang Togo. Noong kanilang kapanahonan ang bansag sa kanila ay" The Laurel and Hardy of the Philippines".Parehas silang kalbo. Nang sumiklab ang giyera ay bumalik sila sa bodabil at pinalitan nila ang kanilang pangalan bilang si "Puguing at Tuguing",dahil ang "Togo" ay parang naihahalintulad sa pangalan ng prime minister noon sa Japan.Madalas rin silang hinuhuli ng mga kempetai at bubugbugin pero matapos ang 3 o 4 na araw ay palalayain sila.Pero noong Nobyembre 3,1952 ay inatake sa puso si Togo na kanyang ikinamatay habang isinasapelikula nila ang pelikulang Dalawang Sundalong Kanin, Sa pagkawala ni Togo ay halos di na siya makilala hanggang sa nakipag-tandem siya Kay Ben Cosca, na kilala naman sa pangalang Bentot.Si Pugo rin ang naging kapalit ni Lopito sa pagiging host sa Tawag ng Tanghalan kasama si Patsy.Kilala rin siya sa pagiging tagapag-turo sa komedyanteng si Dolphy Kung kaya't nang pumanaw siya noong 1978 sa edad na 68 ay pinalitan niya ang kabaong ni Pugo ng isang mamahaling kabaong. Nang Mawala ang tambalang Pugo at Togo, ay pinalitan sila ng tambalang Pugak at Tugak.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.