Giuseppe Flajani
Quick Facts
Biography
Si Giuseppe Flajani (1741-Agosto 1, 1808) ay isang Italyanong siruhano, optalmologo, litotomista at anatomista.Kaugnay siya ng tinatawag na Karamdamang Flajani, na kilala sa kasalukuyan bilang eksoptalmikong buklaw.
Talambuhay
Ipinanganak si Flajani malapit Ascoli ng Italya.Nag-aral siya sa Ascoli at sa Roma.Sa Roma niya natanggap ang kanyang degri sa panggagamot at pilosopiya.Nagsimula siyang maghanapbuhay bilang duktor ng medisina sa Ospital ng San Spirito sa Roma.Siya ang tagapagtatag at director ng isang gabineteng pang-anatomiya sa Sassia, malapit sa Roma.Noong 1772, naging punong maninistis siya ng Ospital ng San Spirito.Noong 1775, naging pansariling manggagamot siya ni Papa Pio VI.Noong 1802, inilathala niya ang isang paglalarawang kaugnay ng isang karamdaman kilala ngayon bilang eksoptalmong buklaw.Bilang siruhanong optalmologo, nagsagawa siya ng mga operasyon sa pupilahe at supot ng luha (sakong lakrimal) ng mata.
Nagkaroon siya ng dalawang mga anak na lalaking naging mga manggagamot din.
Mga sanggunian
Ang lathalaing itoay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.