Danilo Jurado
Quick Facts
Biography
Si Danilo Jurado, na may tunay na pangalang Jose Jurado III, ay isang batikang artistang bata nuong huling mga 1950 hanggang kaagahan ng mga 1960 at kabataang bituin naman noong mga huling 1960 hanggang maagang mga 1970. Ipinanganak nuong 25 Nobyembre 1951 sa mag-asawang Jose Jurado, isang komikero ng entablado na kilala sa pangalang "Bembot" at Caviteñang si Lydia Iglesias Galura sa Maternity and Children's Hospital na kilala ngayon bilang Fabella Hospital ng Maynila.
Talambuhay
Nabigyan siya ng pagkakataong maging artista sa tulong ng direktor na si George Santos ng imbitahan niya si Danilo sa audisyon ng mga bata sa pelikulang Ama Namin, kung saan siya ang napili sa mahigit kumulang na isang daang bata na sumali. Hindi pa man naipapalabas ang nasabing pelikula ay nakuha siya ng direktor at prodyuser na si Direk Roy Padilla sa isa pang audisyon upang gumanap bilang kauna-unahang Marcelino sa Pilipinas sa pelikulang Marcelino Pan Y Vino Alak at Tinapay.
Gumanap din siya sa papel na Ding sa Darna at Ang Babaing Impakta gayundin sa Darna at ang Babaing Isputnik kung saan si Ms. Liza Moreno ang siyang Darna. Kasama siya bilang bilang pinakabatang kapatid na si Lito sa pelikulang "Biyaya ng Lupa" ni Manuel Silos na ipinagmamalaki hindi lamang dito sa Pilipinas pati na sa ibang bansa. Palagiang din siyang nakukuha bilang anak o dili kaya ay nakakabatang kapatid ng showbiz icons na sina Fernando Poe Jr. at dating pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Isa sa pinaka masaya niyang karanasan sa pelikula ay ang kanyang papel bilang batang Diosdado Macapagal sa The Diosdado Macapagal Story.
Kasama siya sa magulong barkada ng Operetang Putol-Putol ni Johnny de Leon nuong early 70's kung saan nakasama niya sina Edgar Mortiz, Jay Ilagan, Richard Merk, Perla Adea, Tessie Lagman-Balboa, Dolly Favorito, Joe Alvarez, Elizabeth Ledesma at Danny Taguiam sa direksiyon at panulat ni Manolo Favis
Hinawakan niya ang dalawang Indie Films bilang isang tagapamahala ng produksiyon ng Ang Huling Lalake sa Puerto Oro at Scarecrow, at naging prodyser at direktor ng isang teleserye para sa channel 10, ng Lungsod ng Lucena. Nagkaroon din siya ng isang radyong magasing palabas, ang PC Balita at iba pa, nuong 2005, na umere sa Armed Forces Radio DWDD.
Sa ngayon editor ng pang-aliw sa mga lingguhang tabloid tulad ng Brigada, News Update, Correspondents, Boses ng Masa at Examiner na nakabase sa Pilipinas. Regular na kontributor din siya ng Las Vegas Star Magazine na mababasa sa mga restauranteng Pilipino sa Las Vegas, Nevada.
Kamakailan, tinapos niya angkanyang unang pelikula bilang director, ito ay ang "Lapis. Balpen at Diploma, a true to life journey" na pinangungunahan nina Buboy Villar Jr., Myrnell Trinidad at Pia Moran. Layunin ng pelikulang ito na ipakita ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan, mahirap man sila o mayaman; at kung ano ang maaaring matamong ginhawa sa buhay sa pamamagitan ng pagsisikap maabot ang mga pangarap sa buhay.
Napangasawa niya si Ma. Linda R. Aspiras-Jurado, kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki na sina Joshua at Josemari. Nagkaroon din siya ng apat na anak sa kanyang nakaraang relasyon,ito ay sina Anthony Jose, Nino Jose, Jose Danilo at Josemina.
Pelikula
- Ama Namin - Dir. George Santos - PMP Pictures (1959)
- Marcelino Pan y Vino - Dir. Roy Padilla 0 Champion Pictures (1959)
- Bigtime Berto – Dir. Pablo Santiago – Larry Santiago Production (1959)
- BIYAYA NG LUPA – Dir. Manuel Silos – LVN Pictures (1959)
- HUWAG MO AKONG LIMUTIN – Dir. Gerry de Leon – Premier Production (1960)
- KADENANG PUTIK – Dir. Chat Gallardo – PPP (1960)
- KATOTOHANAN O GUNI-GUNI – Dir. Jose Miranda Cruz – Tamaraw Pictures (1960)
- PAUTANG NG LANGIT – Dir. Cirio Santiago – PPP (1960)
- GINOONG MISTERYOSO – Dir. Jose Miranda Cruz – Tamaraw Pictures (1960)
- PAGSAPIT NG HATING GABI – Chat Gallardo – PPP (1960)
- LINTIK LANG ANG WALANG GANTI – Dir. Armando de Guzman – Hollywood Far East Production (1960)
- APAT NA BANDILA – Dir. Chat Gallardo – Premier Production (1960)
- PAMILYA BALASUBAS (1960)
- SAMAR – Lead actor/Dir. George Montgomery – Montgomery Film Production – (1960)
- MILAGROSANG KAMAY – Dir. Santiago – PPP (1961)
- ALAALA KITA – Dir. Chat Gallardo – PPP (1961)
- PATIBONG – Dir. Armando de Guzman – Tamaraw Pictures (1961)
- ALYAS PALOS – Dir. Tony Santos Sr. – Dalisay Films (1961)
- MALDITONG BANAL – Dir. Artemio Marquez – Dalisay Films (1961)
- VENGATIBO – Dir. Cirio Santiago – PPP (1961)
- JUAN TAMAD ENTERS MALAKANYANG – Dir. Tino Garcia – Manuel M. Lagunsad Films (1961)
- ADIONG SIKAT – Dir. Fely Crisostomo – Hollywood Far East Production (1962)
- KAPAG BUHAY ANG INUTANG – Dir. Cirio Santiago – PPP (1962)
- ALBANO BROTHERS – Dir. Efren Reyes - F.P.J. Production (1962)
- HARI SA BARILAN – Dir. Armando Herrera – T.I.I.P. (1962)
- ASIONG SEVEN – Dir. Armando de Guzman – Medallion Films (1962)
- SIETE BANDIDOS – Dir. Sol Gaudete – Magna East Production (1962)
- HIWAGA NI MARIANG ISDA – Dir. Tony Camonte (1962)
- IKAW NA ANG MAG-AKO – Dir. Mike Caguin – Arriva Production (1962)
- MARKANG REHAS – Dir. Armando Garces – T.I.I.P. (1962)
- ITO ANG MAYNILA – Dir. Efren Reyes – F.P.J. Production (1963)
- DARNA AT ANG IMPAKTA – Dir. Danilo Santiago – PPP (1963)
- DUELO SA SAPANG BATO – Dir. Jose Miranda Cruz – Larry Santiago Production (1963)
- MGA PUTAKTI SA KAMYE – Dir. Tony Santos Sr. – Larry Santiago Production (1963)
- DARNA VS. ISPUTNIK – Dir. Natoy Catindig – T.I.I.P. (1963)
- DAKPIN SI PEDRO NAVARRO – Dir. Chat Gallardo – FILIPINAS Films (1963)
- MACAPAGAL STORY – Dir. Gregorio Fernandez - M.M. Lagunsad Films (1963)
- MUNTING BAYANI – Dir. Artemio Marquez – BAYANIHAN Films – (1963)
- HELL TO BORNEO – Dir. George Montgomery – G.Montgomery Films (1964)
- MGA PUTAKTI SA KAMYE – Dir. Tony Santos Sr. – Larry Santiago Production (1963)
- PAMBATO – Dir. Eddie Garcia – T.I.I.P. (1964)
- LOVERS STREET – Dir. Chat Gallardo – T.I.I.P. (1964)
- SAAN MANG SULOK NG DAIGDIG – Dir. Cirio Santiago – PPP (1964)
- SABAYAN – Dir. Armando Herrera – T.I.I.P.(1964)
- TATLONG SIGA SA MAYNILA – Dir. Ding M. de Jesus – R.V. Production (1964)
- LABO-LABO – Dir. Armando Garces – T.I.I.P. (1964)
- JOHNNY VAQUERO – Dir. Alex M. Sunga – T.I.I.P. (1964)
- HAHAMAKIN ANG LAHAT – Dir. Chat Gallardo – EMAR Production (1965)
- JOHNNY VAQUERO – Dir. Alex M. Sunga – T.I.I.P. (1964)
- ALYAS DOUGLAS – Dir. Tony Martinez – D.E.S Production (1865)
- CAPTAIN BARBER KONTRA CAPTAIN BAKAL – Dir. Ruben Rustia – PPP (1965)
- BIYAYA NG KATARUNGAN – Dir. Eddie Infante – P.T.C. Films (1965)
- KIKONG MILYONARYO – Dir. Tony Camonte – Golden Harvest Production (1965)
- RUFO MAGTANGGOL – Dir.Eddie Garcia – T.I.I.P. (1965)
- ETERNAL MASK – Dir. Tom Selden – Journey Production (1965)
- COMBAT P.I. – Dir. Tony Garcia – Golden Harvest Production (1965)
- TATAK BARBARO Dir. Efren Reyes – R.T.G. Production (1965)
- MANSANAS SA PARAISO – Dir. Atty. Celso Ad Castillo - Inter. Phil. Production (1965)
- SHOWDOWN – Dir. Alex M. Sunga – T.I.I.P. (1966)
- THE LONGEST HUNDRED MILES – Dir. Don Weis – V.I.P. Production (1966)
- SHARPSHOOTER – Dir. Leody M. Diaz – T.I.I.P. (1966)
- KILL TONY FALCON – Dir. Armando de Guzman – ARGUZ Production (1966)
- AKO ANG MATON – Dir. Jose ‘Pepe’ Wenceslao – Grandeur Production (1966)
- P.S. I LOVE YOU – Jose ‘Pepe’Wenceslao – ZZ Production (1967)
- MINDANAO – Dir. REMWOOD Production (1968)
- ANG PULUBI – Dir. Luis Nepomuceno – I.N.P. Films (1969)
- CHICKS – Dir. Philip San Juan – T.I.I.P. (1969)
- DAMA DE NOCHE – Dir. T.I.I.P. (1969)
- BALIKATAN – Dir. Jun Aristorenas – JU-VER Production (1969)
- MARDY – Dir. Consuelo ‘Ateng’ Osorio – JBC Production (1969)
- OPERETANG PUTOL-PUTOL – Dir. Consuelo ‘Ateng’ Osorio – JBC Production (1970)
- TERROR HUNTER – Dir. Rolando Ledesma - R.S.L. Production (1980)
- (HULIHIN SI AVELINO BAGSIK) ANG REBELDE - Dir. Rolando Ledesma – R.S.L. Production (1985)
- DIBDIBAN ANG LABAN– Dir. Jun de Guzman Jr. – MHR Films (1999)
- BUHAY SA BUHAY – Dir. Jun de Guzman Jr. – Starboard Films International (2006)
Radyo
- Operetang Putol-Putol
- Radyo Balita, atbp.
- Opereta Extravaganza