Batotoy
Quick Facts
Biography
Si Batotoy ay isang komedyanteng artistang Pilipino pagkatapos ng Ikawalang Digmaang Pandaigdig.Ipinanganak siya noong 1917 at unang gumanap sa pelikulang Barong-Barong ng Palaris Pictures. Siya ay gumawa pa ng dalawang pelikula sa Palaris Pictures ang Hanggang Pier at ang katatakutang-komedya ng Multo ni Yamashita noong 1947.
Noong 1947 isinama siya sa dalawang datihang komedyante na sina Pugo at Togo sa Daily Doble ng FP Pictures.Gumawa siya ng isang pelikula sa Reliance Pictures ang Kuarta Na noong 1947 at Kundiman ng Luha noong 1950 ng Balintawak Pictures.
Noong dekada 1950 ng lumipat siya sa Everlasting Pictures at gawin ang pelikulang Basagulera ni Anita Linda at Laki sa Layaw ni Celia Fuentes.Hindi siya gumawa ng pelikula sa tatlong malalaking kompanya ang LVN, Sampaguita at Premiere.
Pelikula
- 1946 - Barong-Barong
- 1946 - Hanggang Pier
- 1947 - Multo ni Yamashita
- 1947 - Daily Doble
- 1947 - Kuarta Na
- 1947 - Sanggano
- 1947 - Noong Bata Pa si Sabel
- 1947 - Anak-Pawis
- 1950 - Kundiman ng Luha
- 1954 - Basagulera
- 1957 - Laki sa Layaw
Ang lathalaing itoay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.