Ali Sotto
Quick Facts
Biography
Si Ali Sotto o Maria Aloha Leilani Carag sa tunay na buhay (ipinanganak 1961) ay mang-aawit, artista at mamahayag sa Pilipinas. Unang niyang ginamit ang alyas (screen name) na Aloha, na siyang tunay na pangalan niya.
Talambuhay
Hiwalay siya sa una niyang asawa na si Maru Sotto, pero sila ay nanatiling matalik na magkaibigan. Sa ngayon, ilan taon na rin siyang kasal sa kanyang pangalawang asawa na si Omar Bsaies na isa ring retiradong diplomat.
Bago siya umalis papuntang Madrid siya, kasama niya si Arnold Clavio sa Dobol A sa Dobol B sa DZBB bilang kasamang namamahayag at naging punong abala din sa palabas ng telebisyon na Ali! at Metro, na nag-iisang serbisyo publikong programa sa panahon na iyon sa telebisyon, at ang bukod tanging Kapakanang Pampublikong programa ng ABC 5 na kumikita. Ang nasabing palabas sa telebisyon ay konsepto ni Jefferson Tan.
Bilang dating asawa ni Maru Sotto, naging bilas niya sina Helen Gamboa at Dina Bonnevie at naging bayaw ang magkakapatid na Sotto: Val Sotto, Tito Sotto at Vic Sotto. Kay Maru, nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Chino Sotto at Miko Sotto, na maagang pumanaw.
Bukod tanging siyang mamahayag na nakapag-anyaya ng mga bisita na sunod-sunod sa mga malalaking pangalan sa showbis sa loob lamang ng ilan buwan. Ang mga nasabing malalaking bituin ay sina: Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Susan Roces at Dolphy. Siya rin lang ang bukod tanging mamahayag ang nakapag direktang nagtanong kay Gng. Susan Roces kung naniniwala ba siyang may anak sa labas si Fernando Poe, Jr.
Kasalukuyang siyang mapapakinggan sa Dobol A sa Dobol B, isang programa sa DZBB, kasama sina Arnold Clavio at Mike Enriquez tuwing lunes hanggang biyernes 9:00 A.M-11:00 A.M.