Biography
Lists
Also Viewed
Quick Facts
Biography
Si Michael Fajatin ay isang taga-ulat ng balita sa telebisyon sa Pilipinas. Lumabas siya sa mga programa ng GMA Network ng halos dalawang dekada at nagbitiw bilang taga-ulat noong Nobyembre 2015. Bukod sa pag-uulat ng balita, naging punong-abala (host) siya sa programang Kape at Balita na pinalabas sa GMA News TV. Sa programang iyon, nanomina siya at ang kanyang mga kasamang sina Susan Enriquez, Joel Reyes Zobel, Mariz Umali at Valerie Tan bilang mga Magagaling na Punong-abala ng isang Pang-umagang Programa ng Star Awards para sa Telebisyon. Ginawaran naman ng Pilak na Mundong Medalya ng New York Festivals World’s Best TV Programs and Film Awards noong 2011 sa kategoryang Natatanging Ulat ang segment o bahagi ng programa na "Biyaheng Totoo" na ipinabalabas sa loob ng 24 Oras, Balitanghali at Unang Hirit. Isa si Fajatin sa mga taga-ulat ng "Biyaheng Totoo" na nag-ulat tungkol sa kalagayan sa Maguindanao.