Si Janice Hung ay isang artista sa Pilipinas. Isa siyang kampeong atleta ng Wu Shu at modelong pang-moda sa Pilipinas. Nakapag-aral siya sa Pamantasan ng Santo Tomas. At kilala sya sa ginampanan niya sa Encantadia bilang si Bathalumang Ether.
Pilmograpiya
Telebisyon
- Ang Probinsyano bilang Meilin
- The General's Daughter - bilang Capt. Alexandra "Cuatro" Noblejas
- Encantadia - bilang si Bathalumang Ether
- Contessa - bilang si Mystie
Mga gantimpala
Pambansa
- Medalyang ginto sa Tai Ji Quan Pambansang Kampeonato sa Wushu (2007)
- Medalyang Ginto sa Tai Ji Jian - Pambansang Kampeonato sa Wushu (2007)
- Medalyang ginto para sa Tai Ji Quan - Pambansang Kampeonato sa Wushu (2006)
- Medalyang ginto para sa Tai Ji Jian - Pambansang Kampeonato sa Wushu (2006)
- Medalyang ginto para sa Tai Ji Quan at Tai Ji Jian - Pambansang Kampeonato sa Wushu (2005)
- Medalyang ginto para sa Tai Ji Quan at Tai Ji Jian - Pambansang Kampeonato sa Wushu (2004)
- Medalyang ginto para sa Tai Ji Quan at Tai Ji Jian - Pambansang Kampeonato sa Wushu (2003)
- Medalyang ginto para sa Chang Quan, Larong Espada, at Larong Sibat - Pambansang Kampeonato ng Wushu (2002)
- Medalyang ginto para sa Chang Quan, Larong Espada, at Larong Sibat - Pambansang Kampeonato ng Wushu (2001)
- Medalyang ginto para sa Chang Quan at Larong Espada - Pambansang Kampeonato ng Wushu (2000)
- Medalyang ginto para sa Larong Espada - Pambansang Kampeonato ng Wushu (1999)
Pandaigdigan
- Medalyang ginto para sa malayang anyo (malayang estilo) ng Tai Ji Quan - ik-1 paanyayang kompetisyon sa Wushu, sa Huangshan, Tsina (2007)
- Medalyang tanso para sa malayang anyo ng pinagsamang kaganapan ng Tai Ji Quan at Tai Ji Jian - ika-24 Palaro ng Timog Silangang Asya (SEAGAMES), sa Thailand (2007)
- Ikatlong puwesto para sa malayang anyo sa kaganapang Tai Ji Jian - ika-15 Palaro sa Asya (Asian Games, 2006) sa Doha, Qatar
- Ikalimang puwesto sa pangkalahatang malayang anyo sa kaganapang Tai Ji - ika-15 Palaro sa Asya (2006), sa Doha, Qatar
- Ikawalong pusweto para sa malayang anyo ng Tai Ji Quan - ika-8 Pandaigdigang Kampeonato ng Wushu, sa Hanoi, Vietnam
- Medalyang pilak para sa malayang anyo ng pinagsamang kaganapang Tai Ji Quan at Tai Ji Jian - ika-23 Palaro ng Timog Silangang Asya (SEAGAMES), sa Pilipinas (2005)
Panlabas na kawing
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.